LABAN NI SENATOR PACQUIAO VS HORN TULOY NA!
SENATOR EMMANUEL "MANNY" "PACMAN" DAPIDRAN PACQIUAO VS JEFF HORN
KASADO NA SA APRIL 22,2017

KASADO NA SA APRIL 22,2017

Venue hindi pa napapanalisa ni Arum
MANILA, Philippines – Tuloy na ang pagsagupa ni Sen. Manny Pacquiao kay No. 2 contender Jeff Horn ng Australia sa Abril 22.
Ang pinag-uusapan na lamang ay kung saan ito gagawin.
Umaasa ang kampo ni Horn na maitatakda ito sa 50,000-seater Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia.
“I would expect 3-4000 Filipinos to fly from the Philippines for this fight down under,” wika ni Arum kahapon. “It will be the biggest fight in Australian history but, until the money is secured, we have to keep our options open, including looking at the Middle East and USA.”
Inaasahan ding magbi-bid ang Melbourne para gawin ang Pacquiao-Horn championship fight sa 56,000-seater Etihad Stadium kung saan tinalo ni Holly Holm si Ronda Rousey sa UFC event noong 2015.
Idedepensa ng 38-anyos na si Pacquiao (59-6-2, 38 KOs) ang kanyang hawak na World Boxing Organization welterweight crown kontra sa 28-anyos na si Horn (16-0-1, 11 KOs).
Maliban sa Australia, ang iba pang bansa na nag-alok na pamahalaan ang bakbakan nina Pacquiao at Horn ay ang England, Abu Dhabi at Russia.
“Australia, England, the Mideast and Russia, even. I’ve been getting offers. So then I talked to Manny and we decided, ‘Let’s do a world tour like (Muhammad) Ali.’ And as long as he’s performing OK, every couple months we’d fight in a different place. And that was very appealing to Pacquiao,” wika ni Arum.
Nauna nang sinabi ni Pacquiao na lalabanan niya si unified light welterweight king Terence Crawford (30-0-0, 21 KOs) kung bibigyan siya ng Top Rank ng guaranteed prize na $20 milyon.
Ngunit sinabi ni Arum na maaari itong itakda bago matapos ang taon.
Kaya ang pangalan ni Horn, lumaban para sa Australia sa Olypic Games noong 2012 sa London, ang naging opsyon ni Arum para labanan ni Pacquiao.
Nanggaling si Pacquiao sa unanimous decision win laban kay Mexican Jessie Vargas (27-1-0, 10 KOs) sa kanyang comeback fight noong Nobyembre 6, 2016.
Kumpiyansa naman si Horn na tatalunin niya si Pacquiao.
“I know I have the power to hurt him. If I land a clean shot on Pacquiao when he’s coming forward I know I could hurt him,” wika ni Horn.
SOURCE:PHILSTAR
Leave a Comment