WALA AKO SA PWESTO KUNG WALA SI GEN. BATO - RODY
Pinanindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya tatanggalin si PNP chief Director General Ronald "Bato" dela Rosa sa kabila ng panawagan ng ilang sektor.
Ginawa ng pangulo ang pahayag sa kanyang pagdalo sa birthday celebration ng heneral sa PNP headquarters sa Camp Crame.
Una rito maging ang malapit na kaalyado ng Pangulong Duterte na si House Speaker Pantaleon Alvarez ay nanawagan din sa pag-resign ni Dela Rosa.
Maging ang ilang mga netizens ay nagpakalat din sa social media ng mga panawagan na hashtag #BatoResign.
Ito ay kasunod ng iskandalo ng pagkakasangkot ng ilang PNP officers sa pagdukot sa Korean businessman na si Ick Joo Jee na pinatay sa loob pa ng Camp Crame.
Sinasabing agad umanong nag-alok si Gen. Bato kay Pangulong Duterte kung siya ay tatanggalin na.
Sagot naman daw ng commander-in-chief bakit daw ito magre-resign samantalang wala naman itong kasalanan.
Giit pa raw ng pangulo, wala raw siya ngayon sa puwesto at maging si Speaker Alvarez kung hindi kay Dela Rosa.
Source: Bombo Radyo Philippines
Leave a Comment