VIGILANTE GROUP SUSPECTS. NAHULI! BATO INIHARAP SILA SA MEDIA

Iniharap ni PNP chief Gen. Ronald 'Bato' Dela Rosa sa harap ng media ang 3 suspects na mga miyembro umano ng vigilante group na sangkot sa iba’t ibang kaso ng mga sinasabing extrajudicial killings.
advertisements
Ayon kay Dela Rosa, 10 ang nasabing grupo at arestado na ang tatlo ngayon na umano’y mga miembro ng civilian volunteer organization ng kanilang barangay pero umaaktong mga taga-tumba ng mga pinaghihinalaang drug addict o mga kriminal.

Kinumpirma ni Dela Rosa na nasasangkot din ang tatlo sa tatlo pang mga insidente ng EJK.


Ibinunyag din ng PNP chief na ang pagka-aresto ng mga suspek ang magpapatunay na mayroon talagang mga nakisabay o nakisakay sa war on drugs ng PNP na pumapatay ng mga drug suspects.

Naaresto sina Manuel Murillo alias Joel, Marco Morallos alyas Naldo, Alfredo Alejan alias Jun na isinasangkot sa pagpatay kay Charlie Saladaga, 16, na natagpuang wala nang buhay at nakasilid sa sako habang palutang-lutang sa baybayin ng Isla Puting Bato,Tondo, Maynila noong January 2, 2017.

Powered by Blogger.